April 27, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mark Leviste, bagets ang dating sey ni Aira Lopez

Mark Leviste, bagets ang dating sey ni Aira Lopez
Photo Courtesy: Aira Lopez (IG), Screenshot from Aster Amoyo (YT)

Ibinahagi ni Kapuso Sparkle artist Aira Lopez ang unang pagkikita nila ng jowa niyang si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa latest episode ng TicTALK with Aster Amoyo kamakailan, sinabi ni Aira na iba raw sa inaasahan niya ang naging impresyon niya sa pagkikita nila ni Mark.

“Nagulat din ako kasi nag-expect ako ng parang more mature. In fairness, bagets naman pala. Saka may dating naman,” saad ni Aira.

“Kasi ‘pag na-meet ka ng first time malalaman mo na kung may spark, puwede ‘to, a,” pagpapatuloy niya. “May gano’n. Mayro’n din namang parang wala. Parang ‘di kayo bagay.”

Relasyon at Hiwalayan

Lovelife ni Kris, peaceful ngayon sey ni Bimby

Dagdag pa ng aktres, “Noong na-meet ko naman siya, parang puwede. Very gentleman.”

Matatandaang Enero nang matanggap ni Mark ang matamis na oo ni Aira.

Pero dahil nga sa agwat ng kanilang edad, takaw-puna ang kanilang relasyon. Kaya minsan ay hindi nakapagtimpi si Aira na patulan ito.

MAKI-BALITA: Mark Leviste, napasagot na si Aira Lopez!

MAKI-BALITA: Aira Lopez pinalagan netizen na nagsabing magtatay sila ni Mark Leviste