Hindi nakapagtimpi si Kapuso actress Kate Valdez na sagutin ang pang-iintriga ng ilang netizens sa katawan niya.
Sa TikTok post kasi ni Kate kamakailan, mapapanood ang video ng sweet moment nila ni former Pinoy Big Brother housemate Fumiya Sankai kasama ang kanilang aso.
Sey ng isang netizen, “[B]untis sya halata"
“Last year pa yan ah ! Kaloka kayo edi bulok na yung bata sa tyan ko mga buang kayo ” sagot naman ni Kate.
Matatandaang pitong buwan na rin ang nakakalipas simula nang magsalita si Kate tungkol sa real-score nila ni Fumiya nang sumalang siya sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda noong Setyembre 2024.
MAKI-BALITA: Kate Valdez, nagsalita na sa real-score nila ni Fumiya
Nagsimulang mabuo ang espekulasyon na may namamagitan kina Fumiya at Kate nang lumutang sa social media ang mga larawan nila nang magkasama sa Hong Kong Disneyland.