"YES EATS KOMPIRMD 99.9%"
Isiniwalat ng social media personality na si Xian Gaza na nagkabalikan na raw ang "ex ni Karla Estrada at ang DJ na binugbog nito."
Bagama't walang direktang pangalan na binanggit, ang mistulang pinatutungkulan ni Gaza na ex ni Karla Estrada ay si Jam Ignacio at ang DJ naman ay si Jellie Aw.
"BREAKING NEWS: Ex ni Karla Estrada at DJ na binugbog nito, nagkabalikan na!" saad ni Gaza sa isang Facebook post noong Abril 24.

"Rematch! Rematch! Rematch sa Japan! Syempre hindi aamin yan at sobrang nakakahiya," dagdag pa niya sa comment section.

Tila sigurado rin si Gaza sa isinawalat niya dahil aniya pa, "YES EATS KOMPIRMD 99.9%"

BALIKAN:
Matatandaang kumalat sa social media ang Facebook post ni Jellie noong Pebrero 12 kung saan makikita sa mga larawan niya ang mga bakas na iniwan ng umano’y mga bugbog ni Jam.
“HAPPY VALENTINES? taena mo Jam Ignacio mapapatay moko wala akong ginawang masama para ganituhin moko halos mamatay ako sa ginawa mo! papalukong kita!” saad ni Jellie sa kaniyang caption.
BASAHIN: 'Papakulong kita!' Ex ni Karla Estrada, nambugbog ng jowa?
Noong Pebrero 14 sa kaniyang panayam sa ABS-CBN News, ibinahagi ni Jellie ang dahilan sa likod ng pambubugbog umano sa kaniya ni Jam.
Aniya, sobrang seloso raw ng kaniyang fiancé.
“Sobrang seloso po kasi. Kahit maliit na bagay, talagang pinapalaki niya. Kahit po sa work ko, ‘pag may kumakaway sa akin, nagagalit siya,” lahad ni Jellie.
“Madali lang naman magpatawad, e,” pagpapatuloy pa niya. “Pero ‘yong ginawa niya sa akin, hindi ko makakalimutan ‘yon. Iba ‘yong trauma, e. Ang hirap matulog. Lagi kong naaalala ‘yong ginawa niya sa kain.”
BASAHIN: Jellie Aw, isiniwalat dahilan ng pambubugbog sa kaniya ni Jam Ignacio
Sa eksklusibong panayam ni Jam sa GMA Integrated News, sinabi niyang nais pa rin daw niyang matuloy ang pagpapakasal nila ng kasintahan. Aniya, hindi raw siya nagtatago sa mga awtoridad at naghintay lamang ng tamang panahon para magsalita.
Pinagsisisihan daw niya ang nagawa at humingi ng tawad kay Jellie. Gusto rin daw niya matuloy ang kasal nilang dalawa.
BASAHIN: Pananakit ni Jam kay Jellie, dahil sa simpleng 'di pagkakaunawaan
BASAHIN: Jam Ignacio nag-sorry kay Jellie Aw, gusto pang makasal sila
Noong Marso, ibinalandra ni Jellie ang screenshot ng direct message sa kaniya ni Jam na tila nagmamakaawang makipag-usapan siya sa kaniya at bigyan siya ng pangalawang pagkakataon sa kanilang relasyon.
BASAHIN: Jellie Aw ipinakita ang pagmamakaawa, pakikipagbalikan ni Jam Ignacio
Samantala, habang isinusulat ito, wala pang pahayag o tugon sina Jellie at Jam para pabulaanan o kompirmahin ang isiniwalat ni Gaza tungkol sa pagbabalikan nila.
Bukas ang Balita sa kanilang panig.