April 26, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gretchen Ho, Robi Domingo inakalang nagkabalikan

Gretchen Ho, Robi Domingo inakalang nagkabalikan
Photo Courtesy: Gabbi Garcia (IG), ABS-CBN News

Nakakaloka ang reaksiyon ng ilang netizens sa pictures nina Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition hosts Robi Domingo at Gabbi Garcia.

Sa isang Instagram post ni Gabbi noong Huwebes, Abril 24, ibinahagi niya ang pictures nila ni Robi nang magkasama at parehong-pareho pa sila ng attire. 

“twin… where have you been?? twinning for tonight’s #PBBCollabBottleTheories! madalas mga host, pero minsan sales assoc at networking top earner partners sino gusto maginvest??! ” saad ni Gabbi sa caption.

Hindi naman naiwasang makita ng ilang netizens ang pagkakahawig nina Gabbi at ng ex-jowa ni Robi na si Grethen Ho. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Jellie Aw, nag-react sa chikang nagkabalikan na sila ni Jam Ignacio

"HOW TO UNSEE GRETCHEN HO KAY GAB "

"I thought they are back together. "

"Yayy akala ko si Gretchen Ho sa unang tingin"

"oh my G! you and Gretchen Ho look alike! magandang Gabbi Gretchen! "

"@gretchenho kambal mo diba @iamrobidomingo"

"@gretchenho is that you? HAHAHAH"

Matatandaang umabot ng tatlong taon ang relasyon nina Robi at Gretchen bago nila ito napagpasyahang tapusin noong Marso 2017.

Sa kasalukuyan, nananatiling single si Gretchen samantalang si Robi naman ay kasal na kay Maiqui Pineda noon pang Enero 2024. 

MAKI-BALITA: Robi Domingo at Maiqui Pineda, mag-asawa na

Gayunman, ani Gretchen, masaya raw siya para sa dalawa.

MAKI-BALITA: Gretchen Ho, may pahayag sa kasal nina Robi at Maiqui