Usap-usapan ang pagbabahagi ng tila "hugot post" ng komedyanteng si Gene Padilla patungkol sa sad but reality na may kinalaman sa "imbitasyon" sa isang okasyon.
Sa Instagram post ni Gene noong Huwebes, Abril 4, ibinahagi niya ang isang quote card tungkol sa paghahambing sa imbitasyon sa pagitan ng mahirap at mayaman.
Mababasa rito, "Napansin nyo? Pag mahirap ka, 'di ka nila [iimbitahin] sa anumang okasyon? Pero pag mayaman invited agad kahit malayo pa okasyon nila. SAD BUT REALITY."
Sa isa pang Instagram post, sinabi ni Gene na tila nilamon siya ng langit at lupa sa mga mensahe laban sa kaniya, simula nang mag-post siya tungkol sa naranasan sa kasal ng pamangking si Claudia Barretto, anak ng kapatid na si Dennis Padilla.
Pero tila binanatan naman siya ng mga netizen sa comment section, matapos marinig ang naging panayam naman ni Ogie Diaz kay Marjorie Barretto kamakailan.
"Hindi ka pa din invited. Hindi dahil mahirap ka. Hindi ka close sa kinasal."
"Di parin pala tapos. Di nagprovide tapos pag natuto mamuhay ng sila lang, aasahan nyo na maging parte kayo sa buhay nila?"
"Narcissist at walang breeding ka lang kasi. Paimportante pa. Katoxic."
"Mag sorry kayo dun sa kinasal na sinira nyo special day nila"
"Weeeeh. Eh ano ang tawag sa mga taong pumupunta sa mga okasyon na hindi naman imbitado? Ge nga. What is gate crasher in tagalog?"
"Gagamitin naman ang mahirap card. Jusko. Paawa naman masyado. Ang sabihin mo, wala lang kayong breeding and manners."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Marjorie tungkol dito.
KAUGNAY NA BALITA: Gene Padilla kinuyog ng netizens; may pagkuda, 'di naman daw pala invited sa kasal