April 23, 2025

Home SHOWBIZ

Dimples, binati si Angel; binalikan alaala nila sa Roma

Dimples, binati si Angel; binalikan alaala nila sa Roma
Photo Courtesy: Dimples Romana (IG)

Sinariwa ni Kapamilya actress-TV host Dimples Romana ang araw na binisita niya ang Roma kasama ang kaniyang ASAP family noong 2019. 

Sa latest Instagram post ni Dimples nitong Miyerkules, Abril 23, binalikan niya ang nasabing alaala kasabay ng pagbati sa kaniyang “ultimate favorite birthday girl “ na si Angel Locsin.

"Rome 2019 a bit of throwback for the time when I got to visit the Vatican , our @asapofficial family brought me here ” saad ni Dimples.

Dagdag pa niya, “Forever grateful for this special time getting to hear the holy Mass in Rome and also spending time with my fave people and my ultimate favorite birthday girl Happy Birthday to my bestfriend @therealangellocsin love youuuu mars."

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

Hanggang ngayon, hindi pa rin nararamdaman ang buong presensiya ni Angel sa online world maliban na lang noong umabiso siya sa publiko na naibalik na umano sa pag-aari niya ang na-hack niyang X account.

MAKI-BALITA: Ginalaw na ang baso: Angel Locsin, nagbalik na sa socmed!

Matatandaang nagsimulang hindi magparamdam si Angel sa publiko noong matapos ang 2022 national elections.