Ilang miyembro ng pulisya ang sinibak ng Quezon City Police District (QCPD) matapos umanong makapuslit ang babaeng Person Under Police Custody (PUPC) at nagpunta umanno sa isang hotel.
Ayon sa press briefing ng QCPD noong Martes, Abril 22, 2025, wala umanong basbas ng korte ang pagpuslit ng babaeng PUPC. Lumalabas sa imbestigasyon na dumiretso umano ito sa isang hotel upang kitain ang kaniyang pamilya.
Napag-alamang nasa kustodiya ng QCPD ang babaeng nahaharap sa kasong qualified theft ay pumuslit umano kasama ang ilang pulis at bumalik din sa presinto matapos ang ilang sandali.
Iniimbestigahan na ng QCPD kung paano umano nangyari ang insidente at kung ilang beses na umano ito nangyayari sa kanilang tanggapan.
Samantala, nasibak sa puwesto ang mga opisyal na kasama ng babae sa kaniyang paglabas maging ang jail guard at desk officer ng kanilang tanggapan.