April 22, 2025

Home SHOWBIZ

Nora Aunor, humimlay na sa Libingan ng mga Bayani

Nora Aunor, humimlay na sa Libingan ng mga Bayani
Photo Courtesy: Santi San Juan/MB

Inihatid na si Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor sa kaniyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani nitong Martes, Abril 22.

Tanging pamilya lang ni Nora ang binigyan ng pagkakataong masilip sa huling pagkakataon ang mga labi niya bago siya tuluyang ihimlay sa libingan.

“Hindi n’yo po alam kung gaano rin namin kayo kamahal dahil sa pagmamahal n’yo na ibinigay n’yo sa mommy namin po. Siya lang po ang nag-iisang Superstar po dahil sa inyong lahat,” saad ng isa sa mga anak ni Nora na si Ian De Leon.

Dagdag pa niya, “Maraming-maraming salamat po.”

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary

Samantala, bago dalhin si Nora sa Libingan ng mga Bayani ay idinaan muna ang mga labi niya sa The Metropolitan Theater para sa isang state necrological service.

MAKI-BALITA: State necrological service para kay Nora Aunor, idinaos sa The Metropolitan Theater

Ang state funeral na ito ay bahagi ng benepisyo ng pagiging National Artist ni Nora.

BASAHIN: ALAMIN: Ano-ano ang benepisyong natatanggap ng isang National Artist?