April 22, 2025

Home BALITA Metro

7 empleyado ng bakery, minasaker habang natutulog!

7 empleyado ng bakery, minasaker habang natutulog!
photo courtesy: PRO4A

Minasaker habang natutulog ang pitong empleyado ng isang bakery sa Barangay Cupang sa Antipolo City nitong Martes, Abril 22. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng Antipolo Police, nangyari ang insidente bandang 8:00 ng umaga kung saan pinasok umano ng mga hindi kilalang salarin ang isang bakery at pinagsasaksak ang mga biktima. 

Ayon kay Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) director Col. Felipe Maraggun, sa kaniyang panayam sa TeleRadyo, nangyari ang krimen dahil umano sa hindi pagkakaunawaan. 

Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa motibo ng krimen. 

Metro

Lalaki, pinatay 7 empleyado ng bakery dahil pinagplanuhan daw siyang patayin ng mga ito

Samantala, sumuko na ang isang suspek at dinala sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

***UPDATE:  Lalaki, pinatay 7 empleyado ng bakery dahil pinagplanuhan daw siyang patayin ng mga ito