April 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mga nominado sa 3rd eviction night ng PBB, puro lalaki

Mga nominado sa 3rd eviction night ng PBB, puro lalaki
Photo courtesy: Screenshot from Pinoy Big Brother ABS-CBN (FB)

Puro male celebrity housemates ang nominado para sa third eviction ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" matapos ang ikatlong nominasyon ng housemates sa isa't isa.

Ang mga nanganganib na Kapamilya at Kapuso duo ay sina Brent Manalo at Vince Dizon, Michael Sager at Emilio Diaz, at Ralph De Leon at Dustin Yu.

Samantala, sina AZ Martinez at Bianca De Vera naman ang nakakuha ng immunity kaya hindi sila na-nominate. Hindi rin kasama sa puwedeng ma-nominate ang mga bagong pasok na sina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat. 

Wala namang nakuhang nominasyon ang duo na sina Josh Ford at River Joseph. 

Tsika at Intriga

Kyline Alcantara, in-unfollow na si Kobe Paras!

Ito ang unang beses na may lalabas na dalawang lalaki sa edisyong ito.

Unang na-evict ang duo na sina AC Bonifacio at Ashley Ortega. Sumunod naman sina Charlie Fleming at Kira Balinger.

Speaking of mga nominadong male housemates, pinag-uusapan ngayon si Dustin matapos ang naging palitan nila ng argumento ni Klarisse De Guzman dahil sa isyu ng task nila, na may kinalaman kay Bianca De Vera.