May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Totoo bang wala nang lunas ang Ovarian cancer?

ALAMIN: Totoo bang wala nang lunas ang Ovarian cancer?
Photo courtesy: Unsplash

Kinikilala rin bilang “silent killer,” ang ovarian cancer ay kinatatakutan ng marami dahil lumalabas na lamang ang sintomas nito pagdating sa “advanced stage” at hindi na agad naagapan. 

Ayon sa Cancer Research UK, ang ovarian cancer ay nangyayari dahil sa paglaki at division ng abnormal cells sa ovary, fallopian tube, at peritoneum, na nagdudulot ng tumor. 

Saad pa sa pag-aaral na ito, kapag hindi agad naagapan, ang cancer cells ay unti-unting kumakalat sa mga kalapit na parte ng katawan. 

Bukod pa sa kababaihan, posible ring maapektuhan ng ovarian cancer ang ilang transgender men at non-binary na ipinanganak bilang babae. 

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang mga sumusunod ang ilan sa mga sintomas ng ovarian cancer: 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

- Vaginal bleeding o pagdurugo sa ari, partikular sa mga lumagpas na sa menopause 

- Pananakit o pressure sa pelvic area o bandang balakang o puson

- Bloating o kabag

- Mas madalas na pag-ihi 

- Constipation o hirap sa pagdumi

Bagama’t kilala bilang “silent killer,” ayon sa Johns Hopkins Medicine, nagagamot pa ang ovarian cancer kung maaga ang diagnosis nito. 

Ayon naman sa pag-aaral ng Everhope Oncology, ilan sa matagumpay na lunas sa ovarian cancer sa unang stages nito ay ang surgical removal ng tumor, chemotherapy, genetic testing at targeted therapy, at patuloy na monitoring matapos ang mga treatment. 

Saad naman ng National Health Service (NHS), ang treatment ng ovarian cancer ay depende sa mga sumusunod: 

- Sukat at uri ng ovarian cancer

- Parte na kinalalagyan ng cancer

- Pagkalat nito

- Kabuuang kalusugan ng indibidwal 

Saad pa ng NHS, habang hindi tuluyang maiiwasan ang ovarian cancer, makatutulong ang pag-iwas sa paninigarilyo o paghinto rito kung smoker ang isang indibidwal, weight maintenance, at maagap na pagpunta sa doktor lalo na kung mayroong lahi ng cancer.