Sa pang araw-araw na pinagdaraanan ng lahat—mula sa personal na mga pagsubok hanggang sa mga kabi-kabilang kaganapan sa kapaligiran—mahalaga na magkaroon ng “time out” o pahinga ang bawat tao sa mga bagay-bagay.
Sa dami ng gawain pagdating sa eskuwelahan, tahanan, trabaho, at maging sa negosyo, “deserve” ng mga tao ang “reward” sa lahat ng kanilang natatapos o nagagawa.
Ano-ano ba ang epektibong paraan upang bigyang “reward” ang sarili?
Batay sa isang artikulong mababasa sa Timestripe, may ilang “rewards” na maaaring ibigay sa sarili nang hindi nabubutas ang bulsa o pitaka.
- Pagbili ng bulaklak sa sarili
- Sumubok sa bagong coffee shop
- Pumili ng librong maaaring basahin
- Pumunta sa lugar na hindi pa napupuntahan
- Kumain ng tsokolate
Anang source, narito naman ang ilang “meaningful ways” para bigyang reward ang sarili.
- Magsagawa ng isang “guilt-free” day off
- Matulog nang walang alarm
- Huwag magtelepono nang isang gabi
- Mahabang oras ng pagligo
- Panonood ng “sunrise” o “sunset”
- Tumawag at makipag-usap sa isang mahalagang tao
Bakit nga dapat itong gawin ng isang tao?
Motivation / Goal Achievement
Ang pagre-reward sa sarili ay isang epektibong paraan upang mabigyan ng dagdag na motibasyon ang isang tao na gawin ang kaniyang tasks sa eskwelahan, trabaho, tahanan, o negosyo.
Dahil nabibigyan siya ng “break,” nabibigyan din siya ng pagkakataong umisip ng mga dahilan kung bakit nararapat niyang husayan ang kaniyang mga ginagawa.
Confidence Building
Ang “self-rewarding” ay isang mabuting paraan upang maging kumpiyansa ang isang tao sa mga ginagawa niya sa araw-araw.
Dahil sa panahong nakakapag-isip siya na kaya niyang gawin ang mga dapat niyang tapusin, nauudyukan siyang mas galingan pa sa kaniyang mga ginagawa.
Dahil din sa makukuha niyang success, mas tumataas ang kaniyang kumpiyansa na magagawa niya ang mga bagay-bagay basta’t lagi niya lang ibibigay ang “best” sa lahat ng gagawin niya.
Stress Relief at Burnout Prevention
Ang rewarding ay isa ring paraan ng dagdag-oras sa sarili, at pagkakataon para makapag-isip para sa iyong ikabubuti.
Dala ng pagbibigay ng reward, ang sarili ay sumasaya at naiiwasan ang banta ng stress na maaaring makaapekto sa mga ginagawa.
Ang pagbibigay din ng reward ay makatutulong sa pagpigil sa posibleng “burnout,” sapagkat nagbibigay ito ng hinga sa gitna ng “pressure” na dala ng pag-aaral, negosyo, o trabaho.
Anang Timestripe, narito pa ang ilang dahilan kung bakit dapat bigyan ng reward ng isang tao ang kaniyang sarili.
“The psychology of self-reward includes: Dopamine release that reinforces positive behaviors, enhanced memory formation around achievements, increased motivation to tackle future challenges, and building confidence through recognition of progress,” mababasa sa artikulo.
Hindi masama ngunit literal na nakakaganda sa sarili ang self-rewarding.
Sa nabibigay na kasiyahan nito sa sarili, malinaw na makatutulong ito hindi lamang sa panlabas na aspeto ng tao—bagkus napahuhusay din nito ang mental, sikolohikal, at emosyonal na buhay ng isang indibidwal.
Kaya’t huwag nang manghinayang—huminga, ngumiti, at bigyang reward ang iyong sarili sa lahat ng iyong nagagawa sa araw-araw.