May 22, 2026

Home FEATURES Human-Interest

ALAMIN: Totoo bang may epekto sa mental health ang pagdarasal?

ALAMIN: Totoo bang may epekto sa  mental health ang pagdarasal?
Photo courtesy: Unsplash

Para sa marami, ang pagdarasal ay ang kanilang “emotional outlet” mula sa bigat na dala ng mga problema at pangyayari sa araw-araw. 

Sa ilan, parte na ito ng kanilang routine hindi lamang upang maglabas ng mga sama ng loob, kung hindi upang magpasalamat na rin sa mga pagpapala, humingi ng patnubay, at kausapin ang Diyos katulad ng isang kaibigan. 

Ayon sa isang pag-aaral, bukod sa pagiging parte ng relihiyon at pananampalataya, ang pagdarasal ay nakatutulong din upang bawasan ang mga nagaganap sa amygdala, na parte ng utak na nagsisilbing “fear center.” 

Kaya kadalasan, pagkatapos magdasal, may mga taong mas nagiging kalmado, dahil na rin sa pagkabawas ng dinaramdam na stress, pagkakaroon ng pag-asa at pagpapasalamat, at emosyonal na regulasyon. 

Sa pisikal namang aspeto, ang pagdarasal ay itinuturong nakatutulong sa pagpapababa ng blood pressure at heart rate, mas pinabuting kalidad ng tulog, at mababang panganib ng depression at substance abuse. 

Human-Interest

‘Okay ka lang?’ Mga paraan upang ‘mangumusta’ sa kaibigan o katrabaho

Ayon sa Psychology Today, ang mga positibong epekto na ito ng pagdarasal ay dala na rin ng paghahanap ng koneksyon sa isang Diyos na pinaniniwalaang mas nakatataas at nakaaalam ng mga pangyayari. 

Dahil dito, mas nagkakaroon ng maayos at magaan na pag-iisip dala ng kabawasan ng stress at tensyon sa realidad.