May 21, 2026

Home BALITA National

'Ombudsman, kakasuhan 'di boboto sa impeachment'—Sen. Imee

'Ombudsman, kakasuhan 'di boboto sa impeachment'—Sen. Imee
Photo courtesy: Imee Marcos (FB), File Photo

Isiniwalat ng Presidential sister na si Sen. Imee Marcos sa publiko na umano’y nakahanda raw magsampa ng kaso ang Office of the Ombudsman sa mga hindi bobotong mambabatas sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. 

Matatandaang inaprubahan na ng House Committee on Justice noong Lunes, Mayo 4, 2026, sa botong 55-0 ang pagsusulong ng reports at articles ng impeachment laban kay VP Sara sa House plenary.

Sa House plenary, kinakailangang makakuha ng one-third na boto mula sa mga kongresista ang naturang impeachment case laban sa Bise bago ito tuluyang umakyat sa Senado.

Inaasahan ang botohan at plenaryo sa Kamara sa darating na Lunes, Mayo 11, 2026.

KAUGNAY NA BALITA: Konsensya n’yo na lang: Rep. Luistro, may paalala sa mga boboto sa impeachment!

National

OSG, tinanggap 'di pag-apruba ng Korte Suprema sa TRO ni Sen. Bato!

Ayon naman sa naging pahayag ni Sen. Imee sa inupload niyang video statement sa kaniyang Facebook page nitong Sabado, Mayo 9, 2026, sinabi niyang may bago raw istilo ng pananakot sa mga miyembro ng Kamara na boboto sa impeachment case laban sa Bise Presidente. 

“May bagong pananakot ngayon. Three letters na naman. Ang pangalan: Ombudsman, OMB,” pagsisimula niya. 

Ani Sen. Imee, tila natatakot daw siya dahil kakasuhan daw ng Ombudsman ang mga hindi bobotong mambabatas sa impeachment laban kay VP Sara.

“Nakakatakot dahil kakasuhan ka raw kapag hindi ka bumoto para sa impeachment ni VP Sara. tama ba ‘yon? Nakakatakot talaga,” aniya. 

Dagdag pa niya, “Maliban pa sa OMB, may DOJ pa, may NBI pa, may SEC pa. Sangkatutak na kaso ang uulan sa inyo ‘pag hindi kayo bumoto.” 

Pagpapatuloy niya, tila hindi na raw niya maintindihan ang nangyayari sa bansa dahil daw sa mga bribery na nagaganap sa politika. 

“Talaga may bribery na, may pananakot pa, ano ba ‘tong nangyayari sa bansa natin?” pagtatapos pa niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon ang Office of the Ombudsman kung totoo nga ba ang isiniwalat na ito ng senador. 

KAUGNAY NA BALITA:Congressmen na papabor sa impeachment, mababawasan boto sa eleksyon—Rep. Lorenz Defensor