Mariing pinaalalahanan ni House Justice Committee chairperson at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro ang mga kapuwa niya mambabatas sa Kamara na bumoto sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte para sa interes ng Pilipinas.
Matatandaang inaprubahan na ng House Committee on Justice noong Lunes, Mayo 4, 2026, sa botong 55-0 ang pagsusulong ng reports at articles ng impeachment laban kay VP Sara sa House plenary.
Sa House plenary, kinakailangang makakuha ng one-third na boto mula sa mga kongresista ang naturang impeachment case laban sa Bise bago ito tuluyang umakyat sa Senado.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara kung ma-impeach: 'Yan ay sinulat na ng Diyos'
Ayon naman sa naging pahayag ni Luistro sa isinagawa nilang Saturday News Forum nitong Sabado, Mayo 9, 2026, sinabi niyang umaasa siyang ang konsensya ng mga kapuwa niya mambabatas sa House of the Representatives ang mas mananaig sa kanilang pagboto sa impeachment case laban kay VP Sara.
“I think, ultimately it will lead to the conscience of the members of the House which will prevail at the actual voting,” pagsisimula niya.
Ani Luistro, dapat daw isipin ng mga miyembro ng Kamara ang pinakamabuting interes para sa Pilipinas sa kanilang magiging pagboto para isulong impeachment case laban sa Bise Presidente.
“After you have considered the evidence, after you have considered the party position, I think at the end of the day, ang dapat isipin or sana ang isipin will be for the best interest of the Philippine nation,” pagtatapos pa niya.
Samantala, inaasahan ang botohan at plenaryo sa Kamara sa darating na Lunes, Mayo 11, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Congressmen na papabor sa impeachment, mababawasan boto sa eleksyon—Rep. Lorenz Defensor
KAUGNAY NA BALITA: 'Magreklamo na sila!' Rep. Luistro, bumanat sa kampo ni VP Sara