May 21, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

PNP, may pahayag sa umano'y ICC warrant of arrest vs Sen. Bato!

PNP, may pahayag sa umano'y ICC warrant of arrest vs Sen. Bato!
Photo courtesy: via MB File Photo

Nagbigay ng opisyal na pahayag ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng mga ulat hinggil sa posibleng contingency measures na may kaugnayan sa umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald "Bato" dela Rosa.

Sa inilabas na statement ng PNP, nitong Sabado, Mayo 9, sinabi nitong kanilang binibigyang-pansin ang mga ulat sa media tungkol sa naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla hinggil sa mga posibleng hakbang na maaaring isagawa kaugnay ng isyu.

Gayunman, nilinaw ng pambansang pulisya na kikilos lamang ito batay sa legal na kautusan mula sa mga may sapat na awtoridad at alinsunod sa umiiral na batas, mga alituntunin, at proseso.

Ayon pa sa PNP, anumang police action na kinakailangan ay isasagawa nang may buong pagsunod sa due process, rule of law, at paggalang sa karapatang pantao.

Dagdag ng ahensya, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government at iba pang concerned government agencies upang matiyak na ang lahat ng hakbang ay naaayon sa itinatakdang legal at operational protocols.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Tiniyak din ng PNP sa publiko na professionalism, prudence, maximum tolerance, at accountability ang magiging gabay nila sa lahat ng pagkakataon.

Kasabay nito, hinimok ng pambansang pulisya ang publiko na maging mapanuri at iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon sa social media at iba pang online platforms. Pinayuhan din ang mamamayan na umasa lamang sa mga opisyal na pahayag mula sa mga awtorisadong ahensya ng gobyerno.

Nilagdaan ang pahayag ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr., na muling nagpatibay sa pangako ng organisasyon na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan habang nagpapatupad ng batas nang may integridad, propesyonalismo, at pagiging patas.

Narito ang buong opisyal na pahayag ng PNP:

"The Philippine National Police (PNP) takes note of recent media reports regarding statements made by Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor C. Remulla on possible contingency measures in connection with reports of an arrest warrant allegedly issued by the International Criminal Court (ICC) involving Senator Ronald 'Bato' dela Rosa."

"The PNP emphasizes that it acts only upon lawful orders issued by competent authorities and in accordance with existing laws, rules, and procedures."

"Any appropriate police action, if and when necessary, shall be undertaken with full adherence to due process, the rule of law, and respect for human rights."

"The PNP also continues to coordinate closely with the DILG and other concerned government agencies to ensure that all actions remain consistent with established legal and operational protocols."

"The PNP assures the public that professionalism, prudence, maximum tolerance, and accountability shall guide all its actions at all times."

"We likewise urge the public to exercise discernment and to refrain from spreading unverified information circulating online. The public is encouraged to rely only on official statements issued by authorized government agencies."

"The PNP remains committed to its mandate of upholding the rule of law, maintaining peace and order, and serving the Filipino people with integrity, professionalism, and impartiality."

Sa inilabas na dokumento ng Office of the Prosecutor ng ICC noong Pebrero 13, 2026, direkta nilang binanggit ang pangalan ni Dela Rosa, kapuwa niyang senador na si Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, at iba pa bilang co-perpetrators umano ni FPRRD sa madugong giyera kontra droga.

Ayon sa nasabing dokumento, nagkasundo umano sina Duterte, Dela Rosa, Go, at iba pang mga co-perpetrator niya sa isang “Common Plan” na “ma-neutralize” o itiklop ang umano’y mga kriminal sa Pilipinas.

Maki-Balita: ALAMIN: Kinalaman ni Sen. Bato bilang 'co-perpetrator' ni FPRRD sa war on drugs!