Tila lalong lumalakas ang suspetsa ng fans na hiwalay na ang celebrity couple na sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.
May ilang netizens kasing nakapansin noong Linggo, Abril 20, na hindi na naka-follow si Kyline kay Kobe sa Instagram account nito.
Pero kung bibisitahin naman ang IG account ni Kobe, naka-follow pa rin naman siya sa account ni Kyline.
Matatandaang nauna nang umugong ang bulung-bulungang hiwalay na sina Kyline at Kobe matapos mapuna ng mga netizen na binura ng dalawa ang ilang pictures nila nang magkasama.
MAKI-BALITA: Kyline Alcantara, Kobe Paras hiwalay na nga ba?
Ilang araw matapos nito ay pinabulaanan ng ama ni Kobe na si Benjie Paras ang lumutang na tsika tungkol sa dalawa.
MAKI-BALITA: Benjie Paras, nagsalita sa isyung hiwalay na sina Kyline Alcantara, Kobe Paras
Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring nilalabas na reaksiyon o pahayag sina Kobe at Kyline hinggil dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.