April 21, 2025

Home BALITA National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Lunes ng hapon, Abril 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:56 ng hapon. 

Namataan ang epicenter nito 19 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 37 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

CBCP Pres. David, hinikayat mga simbahang patunugin kampana para kay Pope Francis

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.