Ibinida ng Kapuso actress na si Beauty Gonzalez na magkasama na sila ng Kapuso actor na si Paolo Contis sa Haboi, Vietnam para sa gagawin nilang pelikula.
"I Love this BTS Photograph of @paolo_contis and I here in Hanoi," bida ni Beauty sa mga larawan nila ni Paolo.
"it’s giving such a #WongKarWai vibe."
"It’s such a privilege to do a film here in a foreign Country, Seeing things through the eyes of Work instead of just Travel gives Everything and Everyone A Whole New Perspective," pahayag pa ni Beauty.
Samantala, ang "Beauty Contis" naman ay wordplay sa pangalan ni Beauty at apelyido ni Paolo kaya biruan ng mga netizen, "masagwa" raw pakinggan kung sakaling nagkatuluyan ang dalawa.
Pero si Beauty ay happily married na sa art curator na si Norman Crisologo noong 2017, at biniyayaan sila ng isang anak na si Olivia. Si Paolo naman, matapos ang pag-aming wala na sila ni Yen Santos, ay hindi na ulit napabalitang nagkaroon ng jowa.