Dinepensahan ng aktor at basketball player na si Andre Paras ang utol niyang si Kobe Paras mula sa malisyosong post ng isang content creator.
Sa Facebook post ng “Magandang Bulaklak” kamakailan, inintriga nito ang lifestyle ni Kobe na walwal lang umano nang walwal at may kasama pang babae.
Kaya naman binweltahan ito ni Andre at sinabing nagpapakasaya lang naman daw si Kobe kasama ang mga kaibigan nito.
“Magtaka po kayo kapag nag club ang isang tao tapos nagbabasa lang sila ng libro doon o kaya pumunta doon para lang matulog,” saad ni Andre.
Dagdag pa niya, “If you really cared about kobe then you will not be doing this at all. I know what you’re trying to do. You’re trying to make my brother look like a bad person.”
Ayon kay Andre, nauunawaan naman daw niya kung gaano nakakaadik makakuha ng views mula sa mga content na ginagawa sa Facebook.
Aniya, “But doing it this way? Nako po Using others name and private life for clicks and views? If you’re monetizing this then it will say a lot about what you’re trying to do maam.”
“I’m his kuya and I have the right to stand up for him against people like you who only care about making him look bad,” dugtong pa ni Andre.
Matatandaang umalingawngaw kamakailan ang tsikang hiwalay na si Kobe sa jowa niyang si Kyline Alcantara. Ngunit pinabulaanan naman ito ng erpat ni Kobe na si Benjie Paras.
MAKI-BALITA: Matapos ang intrigang hiwalay na kay Kobe: Kyline, napakanta