Kinaladkad ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na kasabwat daw ni Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez ang misis niyang si Tingog Partylist Rep. Yedda Romualdez sa umano’y malaking korapsyon sa Kamara.
Matatandaang kontrobersyal ngayon ang mga indibidwal na nasa likod ng nasabing media channel matapos hulihin at pakawalan din ng National Bureau of Investigation (NBI) ang founder nito na si Franco Mabanta at apat pa nitong kasamahan, habang tinitingnan nila “person of interest” ang PGMN anchor na si CJ Hirro sa algeasyong pagbabanta raw nila ng extortion laban kay Romualdez.
KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, malaki ang papel sa sistema ng korupsiyon—CJ Hirro
Siwalat ng anchor na si Hirro sa inilabas nilang episode sa kanilang Facebook page noong gabi ng Linggo, Mayo 10, 2026, pinatutsada niyang may mas malala pa raw na korapsyon kaysa sa Appropriations Committee na hinawakan noon ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Ani Hirro, may isang Komite pa raw sa Kamara na may nagaganap na mas malalang korapsyon kung saan hindi na raw kailangan ni Romualdez ang maghanap ng kakutsaba, iisang tao lang ang may control, at walang ibang sumisilip sa pagpuslit nila ng budget.
“Ang budget na hindi dumadaan sa deliberation, hindi pinag-aawayan sa Bicam kung dadagdagan o babawasan ba, at hindi pinag-uusapan ngayon,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “If you think, powerful na Appropriations Committee na ginawa ni Zaldy Co, wait until you hear about the Committee that decides how much budget Congress gets and gets that budget passed without challenge.”
Diin ni Hirro, ito raw ang misis ni Martin na si Yedda sa naging panunungkulan nito bilang chairperson ng Committee on Accounts na may kapangyarihan daw kagaya ng Deputy Speaker at Majority Leader sa Kamara.
“A Committee whose chairperson is as powerful as a Deputy Speaker or a Majority Leader because he/she has voice and vote in all other committees. A designation so powerful that Martin Romualdez would only entrusted to one person,” ‘ika niya.
“A person who he trusts way more than he ever trusted Zaldy Co, his wife,” patutsada pa niya.
Pagpapatuloy ni Hirro, mas malala raw ang kinalaman ni Yedda sa paghawak ng Committee on Accounts kay Zaldy dahil tila madali lang daw itong makakuha ng basbas sa kanyang mister na si Martin sa pagpupuslit ng budget.
“What Yedda did sa Accounts is much worse than what Zaldy did sa Appropriations at lahat ng ginawa niya doon, hindi puwedeng walang basbas o kumpas ni Martin Romualdez as House Speaker and her husband,” anang anchor.
Buwelta pa ni Hirro, namahala raw sina Martin at misis nitong si Yedda sa Committee on Account na parang mga sindikatong buwakaw.
“Together they run that Committee like a sindikato. Very buwakaw sa pa-unli budget. The Account Committee is the holy grail for the corrupt,” pagtatapos pa niya.
Samantala, habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na reaksyon, tugon, o pahayag sina Romualdez at Yedda kaugnay sa isiniwalat na ito ng naturang media channel.
KAUGNAY NA BALITA: 'Innocent and very much alive!' CJ Hirro, ligtas at nagtatago kay Rep. Romualdez!