Isa-isang inilatag ni Peanut Gallery Media Network (PGMN) lead anchor CJ Hirro ang kaugnayan ni dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa maanomalyang flood control projects.
Sa latest episode ng programa ng (PGMN) na pinamagatang “Martin Looter Fund” noong Linggo, Mayo 10, inungkat ang mga video clip kung saan binanggit ng mga testigo ang pangalan ni Romualdez sa umano’y pagkakasangkot nito sa korupisyon.
Kabilang dito ang mga testamento nina Curlee Discaya at Orly Guteza sa ginanap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong 2025.
“It was clear to us that as Speaker of the House, he [ Romualdez] played a big role in the scheme. And for that, we all hoped he’d go to jail,” saad ni Hirro.
Matatandaang kabilang si Hirro sa person of interest na pinaiimbestigahan ng National l Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pangingikil umano ni PGMN founder Franco Mabanta kay Romualdez.
KAUGNAY NA BALITA: 'We are innocent. This was setup!' Franco Mabanta, nagsalita matapos dakpin ng NBI dahil kay Romualdez
KAUGNAY NA BALITA: Franco Mabanta, may 90 minutong video sa umano'y korapsyon ni Romualdez!
Inisyuhan si Hirro ng subpoena mula sa NBI kamakailan. Batay sa summons, pinahaharap siya sa Office of the Organized and Transnational Crimes Division (OTCD) ng NBI sa Pasay ngayong araw, Mayo 11.