May 21, 2026

Home BALITA National

Franco Mabanta, may 90 minutong video sa umano'y korapsyon ni Romualdez!

Franco Mabanta, may 90 minutong video sa umano'y korapsyon ni Romualdez!
Photo courtesy: MB, File Photo

Nakahandang ilabas ng political content creator at founder ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) na si Franco Mabanta ang nagawa umano nilang 90 minutong videong nagpapakita ng ebidensya laban kay Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez. 

Matatandaang natiklo ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mabanta at apat na iba pa noong gabi ng Martes, Mayo 5, 2026, dahil sa umano'y bantang extortion kay Romualdez.

Mariin naman niya itong pinabulaanan sa inilabas nilang pahayag sa kanilang PGMN Facebook page nitong Miyerkules, Mayo 6, 2026, at sinabi niyang inosente sila at setup lang daw ang naging paghuli sa kanila. 

Diin niya, natapos na raw kasi nila ang isinagawa nilang komprehensibo at mapanganib na pananaliksik para himayin ang umano’y korapsyon ni Romualdez noong nanunungkulan pa ito bilang Speaker sa Kamara.

KAUGNAY NA BALITA: 'We are innocent. This was setup!' Franco Mabanta, nagsalita matapos dakpin ng NBI dahil kay Romualdez

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ayon pa sa naging pahayag ni Mabanta, sinabi niyang fully edited na ang kanilang naturang 90 minutong video kaya raw nangyari ang pagtiklo sa kaniya at kaniyang mga kasamahan. 

“The episode was filmed several weeks ago. It has been fully edited — it is 90 minutes-long, packed with hard evidence, and ready for release,” saad niya. 

Dagdag pa niya, “That is why this is happening.” 

Babala ni Mabanta, nag-utos na raw siya sa kaniyang legal team at mga kakampi na ilabas sa lahat ng kanilang social media platforms ang 90 minutong video kung may anomang mangyayari sa kanila. 

“In light of this, even before the arrest, I gave specific/explicit instructions that if anything — literally ANYTHING, be it fatal or injurious — happens to any of us in any capacity, our legal teams and trusted allies are to fully publish the 90-minute exposé on every major social media platform for everyone in the Philippines to see,” diin niya. 

Samantala, habang sinusulat ito, nananatili pa rin sa kustodiya ng NBI si Mabanta at ang kaniyang mga kasamahan. 

Wala pa ring inilalabas na pahayag, tugon, o reaksyon si Romualdez kaugnay rito. 

KAUGNAY NA BALITA: Usec. Castro, kinuwestiyon koneksyon ni Franco Mabanta sa mga Duterte!