May 14, 2026

Home BALITA National

Handa na ang proteksyon ng Pilipinas laban sa Hantavirus – DOH

Handa na ang proteksyon ng Pilipinas laban sa Hantavirus – DOH
Photo courtesy: DOH (FB screenshot)

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa na ang Pilipinas laban sa binabantayang sakit na Hantavirus, na pinaghihinalaang kumitil sa buhay ng tatlong crew ship passengers kamakailan. 

Sa inilabas na advisory ng DOH nitong Lunes, Mayo 11, binanggit nilang inihanda na sa mga paliparan at pantalan ang border screening, na susuri sa kondisyon ng mga pasaherong papasok sa bansa. 

Sa pamamagitan pa ng border screening, obligado ang bawat pasahero na gawin ang Health Declaration sa eGovPH app, kung saan, itinatanong ang travel history at mga sakit na nararamdaman. 

Pagtungtong pa lamang ng mga pasahero, agad na silang inoobserbahan ng BOQ para sa mga sintomas ng sakit. 

Dumadaan din ang mga ito sa infrared thermal scanners, na nakaka-detect ng mataas na lagnat. 

National

Brawner, pinagtanggol mga sundalo sa Senado; 'di raw nagpaputok ng baril!

Kung ang pasahero naman ay manggagaling sa “flagged country,” o kaya’y may sakit, agad itong dadalhin sa tanggapan ng Bureau of Quarantine (BOQ) para sa assessment. 

Kung may sakit ang pasahero, agad itong dadalhin sa isolation facilities at DOH hospitals upang magawan ng akmang treatment at monitoring. 

Samantala, nilinaw ng DOH na walang kaso ng Hantavirus sa Pilipinas at patuloy silang nakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) at ibang bansa upang patuloy na subaybayan ang sitwasyon ng Hantavirus infection. 

Matatandaang tatlong pasahero sa cruise ship na MV Hondius ang pinaghihinalaang nasawi dahil sa Hantavirus, habang naglalayag ito sa mga bansang Argentina at Cape Verde, ayon sa WHO noong Mayo 4. 

Anila pa sa kanilang pahayag noong Mayo 7, sa walong kasong naiulat, kabilang ang tatlong nasawi, lima rito ang kumpirmadong dahil sa Hantavirus. 

Gayunman, kahit na maituturing bilang isang seryosong health problem, tiniyak naman ng WHO na hindi ito hudyat ng panibagong pandemya, katulad ng nangyari sa COVID-19, anim na taon ang nakararaan. 

MAKI-BALITA: WHO, nagbabala sa posibleng karagdagang kaso ng hantavirus

Ang Hantavirus ay kadalasang nakukuha sa ihi, dumi, o laway ng infected na mga daga. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: ‘Hantavirus’ infection na hinihinalang kumitil sa tatlong cruise ship passengers

Mayroon ding kaso ng pagkakapasa nito sa pamamagitan ng “human-to-human transmission” sa close contact sa mga infected na indibidwal. 

MAKI-BALITA: 'Human-to-human transmission,' posible sa 3 nasawi dahil umano sa Hantavirus—WHO