Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa posibleng paglabas ng mga karagdagang kaso ng hantavirus matapos maitala ang unang tatlong pagkasawi bunsod ng pinaghihinalaang hantavirus “outbreak” sa isang cruise ship kamakailan.
Sa inilabas na pahayag ng WHO noong Huwebes, Mayo 7, binanggit na sa walong kasong naiulat, kabilang ang pagkasawi ng tatlong cruise ship passengers, lima rito ang kumpirmadong hantavirus.
Sa kasalukuyan, tiniyak ng WHO na ang mga apektadong pasyente at iba pang pasahero ng MV Hondius ay ligtas na naglalayag at inaasahang makararating sa Canary Islands, Spain sa Linggo, Mayo 10.
“Our priorities are to ensure the affected patients receive care, that the remaining passengers on the ship are kept safe and treated with dignity, and to prevent any further spread of the virus,” ani WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa press briefing ng WHO noon ding Huwebes.
“I asked Prime Minister Pedro Sanchez of Spain to accept the ship, which he agreed to do. The ship is now shipping for the Canary Islands and we are confident in the capacity of Spain to manage this risk, and we are supporting them to do so,” dagdag pa niya.
KAUGNAY NA BALITA: 38 Pinoy crew ng MV Hondius, ligtas sa hantavirus
Bagama’t maituturing na isang seryosong health problem, tiniyak naman ng WHO na hindi hudyat ng panibagong pandemya ang hantivirus, katulad ng nangyari sa COVID-19, anim na taon ang nakararaan.
“While this is a serious incident, WHO assesses the public health risk as low,” pagtitiyak ni Ghebreyesus.
Sa isang panayam naman ng international media sa Infectious Diseases Specialist na si Sanjaya Senanayake, binanggit na bagama’t may kaso rin ng pagkakahawa sa pamamagitan ng close human to human contact, nananatili itong limitado.
KAUGNAY NA BALITA: 'Human-to-human transmission,' posible sa 3 nasawi dahil umano sa Hantavirus—WHO
Samantala, ang hantavirus infection ay itinuturong nakukuha mula sa ihi, dumi, o laway ng infected rodents o mga daga.
Kahit na maituturing ding rare na sakit, ang impeksyon dulot ng hantavirus ay nagdudulot ng matinding komplikasyon at pagkamatay.
MAKI-BALITA: ALAMIN: ‘Hantavirus’ infection na hinihinalang kumitil sa tatlong cruise ship passengers