May 14, 2026

Home BALITA Internasyonal

38 Pinoy crew ng MV Hondius, ligtas sa hantavirus

38 Pinoy crew ng MV Hondius, ligtas sa hantavirus
Photo courtesy: Arilson Almeida (AP Photo)

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ligtas ang 38 Pilipinong tripulante ng MV Hondius, kung saan naitalang may tatlong kaso ng pagkasawi mula sa hantavirus. 

Batay sa pahayag ni DOH Usec. Albert Domingo sa media, binanggit niyang negatibo sa naging screening at test ng hantavirus ang nasabing mga Pinoy crew mula sa hantavirus. 

Sa pakikipagtulungan din sa Department of Migrant Workers (DMW), kinumpirma ng operator ng MV Hondius na nasa mabuting kondisyon ang mga Pinoy na lulan ng kanilang barko. 

“Na-monitor din namin at nakausap namin ang Department of Migrant Workers na yun ring kompanya ng mismong vessel [MV Hondius] ay sumulat mismo sa ating DMW at nagpatunay na yung 38 ay nasa mabuting kalagayan,” saad ni Domingo sa kaniyang panayam sa radyo noong Miyerkules Mayo 6. 

Aniya pa, hindi nagkaroon ng contact sa mga nasawing kapwa pasahero na pinaghihinalaang mula sa hantavirus. 

Internasyonal

24 tripulanteng Pinoy ng MV Hondius, sasailalim sa 42-day quarantine sa The Netherlands

MAKI-BALITA: 'Human-to-human transmission,' posible sa 3 nasawi dahil umano sa Hantavirus—WHO

Samantala, unang naiulat ng World Health Organization (WHO) noong Lunes, Mayo 4 ang pinaghihinalaang “‘outbreak” ng hantavirus infection sa MV Hondius na naglalayag sa Argentina at Cape Verde. 

Saad pa ng WHO, sa ihi, dumi, o laway ng infected rodents o mga daga nakukuha ang hantavirus infection, at bagama’t maituturing itong “rare” o bihirang sakit, ito ay nagdudulot ng matinding komplikasyon at pagkamatay. 

Nilinaw din ng DOH na nangyayari ang pagkakahawa sa mga tao sa pamamagitan ng “prolonged close contact” at hindi airborne. 

MAKI-BALITA: ALAMIN: ‘Hantavirus’ infection na hinihinalang kumitil sa tatlong cruise ship passengers