May 22, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Juliana, inayos Mother's Day greeting ni PBBM: 'Si Imee naman tumayong nanay sa 'yo sa ibang bansa!'

Juliana, inayos Mother's Day greeting ni PBBM: 'Si Imee naman tumayong nanay sa 'yo sa ibang bansa!'
Photo courtesy: Juliana Parizcova (FB)/MB File Photo

Tila inayos ni Miss Q&A season 1 grand winner Juliana Parizcova Segovia ang Mother's Day greeting ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. nitong Linggo, Mayo 10.

Nagpaabot ng pagbati si PBBM para sa pagdiriwang ng Mother’s Day sa pamamagitan ng isang mensahe na ibinahagi sa kaniyang social media page, para sa tatlong babaeng espesyal sa buhay niya.

Sa naturang post, binigyang-pugay ng Pangulo ang mga ina dahil sa kanilang pagmamahal, sakripisyo, at mahalagang papel sa bawat pamilyang Pilipino. Kabilang sa mga tampok sa kaniyang ibinahaging larawan ang inang si dating First Lady Imelda Marcos, asawang si First Lady Liza Marcos, at kapatid niyang si Irene Marcos.

Kapansin-pansin naman sa ilang netizens na hindi kasama sa post ang isa pa niyang kapatid, ang manang o ate niyang si Sen. Imee Marcos.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng Pangulo:

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

“Sa bawat ina, may pagmamahal at sakripisyong hindi kayang tumbasan ng anumang salita."

“Kayo ang ilaw ng tahanan at haligi ng bawat pamilyang Pilipino. Sa inyong pag-aaruga, pagtitiis, at walang kapantay na pagmamahal, mas tumatatag ang ating tahanan, komunidad, at bayan."

“Ngayong Mother’s Day, taos-puso akong nagpupugay at nagpapasalamat sa lahat ng ina. Maraming salamat sa pagmamahal na araw-araw ninyong iniaalay para sa inyong pamilya at para sa ating bansa.”

Umani ng iba’t ibang reaksiyon online ang naturang post, lalo na matapos mapansin ng ilang netizens ang hindi pagkakasama ni Sen. Imee Marcos sa ipinakitang family greeting ng Pangulo.

Maki-Balita: PBBM, binati ng Mother's Day sina Imelda, Liza, Irene; dedma kay Imee!

Kaya naman, inedit ni Juliana ang art card, at bagkus ay inalis sa larawan si FL Liza at ipinalit ang larawan ni Sen. Imee.

"inayos ko po PBBM…" saad ni Juliana.

"kasi si Imee naman tumayong nanay sayo sa ibang bansa di ba?.."

"Amnesia?…"

"Happy mother’s Day," saad pa niya.

Samantala, nagpaabot naman ng pagbati si Sen. Imee ng Mother's Day para sa kaniyang inang si dating FL Imelda.

"Happy Mother's Day sa ating mga nanay lalo na sa pinakamamahal kong Mommy Meldy!" saad ng senadora sa kaniyang post.