April 16, 2025

Home SHOWBIZ

BINI, papasok na rin sa Bahay Ni Kuya?

BINI, papasok na rin sa Bahay Ni Kuya?
Photo Courtesy: PBB (FB)

Maging ang mga miyembro ng all-female Pinoy Pop group na BINI ay makikita na rin sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Sa isang Facebook post ng Pinoy Big Brother ABS-CBN nitong Lunes, Abril 14, inanunsiyo nila na may bagong housemates umanong aabangan.

“Oh Shux! May bagong papasok sa Bahay ni Kuya!” saad sa caption.

Dagdag pa nila, ”Sino kaya ang mga BINIbining 'to? Na-na-nandito na sila soon sa PBB Celebrity Collab Edition! ”

Relasyon at Hiwalayan

Pag-amin ni Shan Vesagas tungkol kay Esnyr: 'Na-inlove ako sa ugali niya!'

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"HALAA OMG "

"For sure crush n nmn to ni dustin"

"balik niyo na lang chakira"

"magiging lalake na si esnyr haha"

"SB19 nalang na uy"

"Bakit puro “new crush nanaman ni Dustin”Grabe kayo kay Dustin"

"Korni na masyado nung, MAY BAGO NA NAMANG MAGIGING CRUSH SI DUSTIN. Yung mga nagcocomment baka babaero o mga lalakero in real life "

Matatandaang noong Sabado ay opisyal nang lumabas sa Bahay ni Kuya ang magka-duo na sina Charlie Fleming at Kira Balinger.

MAKI-BALITA: Charlie Fleming, Kira Balinger ikalawang evicted duo sa PBB

Pero sa paglabas ng dalawa ay pinalitan naman sila nina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat.