April 14, 2025

Home SHOWBIZ

Charlie Fleming, Kira Balinger ikalawang evicted duo sa PBB

Charlie Fleming, Kira Balinger ikalawang evicted duo sa PBB
Photo Courtesy: PBB (YT)

Kasunod na namaalam ang magka-duo na sina Charlie Fleming at Kira Balinger sa Bahay Ni Kuya matapos nilang ma-evict pareho.

Matatandaang bago ito ay nauna nang lumabas ang magka-duo na sina AC Bonifacio at Ashley Ortega noong Marso 29.

MAKI-BALITA: Ashley Ortega, AC Bonifacio na-evict na sa Bahay Ni Kuya

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” noong Sabado, Abril 12, inanunsiyo ang pagkatanggal ng Kapamilya at Kapuso housemates.

Tsika at Intriga

Janno Gibbs pumalag, minura mga umookray na 'enabler' siya ni Dennis Padilla

“We were so happy to walk out together because we slept beside each other. And it would be really hard for us if one of us came out and we wouldn’t see each other,” saad ni Charlie.

Sabi naman ni Kira, “I’m so happy to see you, guys. Thank you. I love you.”

Bukod kina Kira at Charlie, kasama rin nilang nanganib sa eviction ang magka-duo na sina Ralph de Leon at AZ Martinez.