Nausisa si Kapamilya sexy actress Ivana Alawi kung hanggang saan ang limitasyon niya sa paggawa ng mga pelikula.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Ivana na handa raw siyang mag-frontal nudity.
“Baka sila ‘di nila kayanin,” sabi ni Ivana. ”Kung kailangan, kung para sa trabaho, at maganda naman ‘yong script, at maganda ‘yong istorya, why not?”
Sey tuloy ni Boy, “That’s how comfortable you are with your body.”
Matatandaang bagama’t hindi pa talagang nakakapaghubad si Ivana sa kaniyang mga proyekto, nagkaroon naman siya ng ilang bed scenes tulad sa “FPJ’s Batang Quiapo” kasama si Coco Martin, na pinag-initan din ng viewers.
MAKI-BALITA: Sey mo, Julia? Coco 'sinulit' si Ivana sa Batang Quiapo
MAKI-BALITA: Umaatikabong bakbakan, tampok sa new trailer ng Batang Quiapo
MAKI-BALITA: Coco hinigop si Ivana