Naghayag ng interes ang dating adult film actress nasi Maria Ozawa na gumanap sa mga pelikulang ginagawa ng VMX.
Sa isang episode kasi ng “The Men’s Room” kamakailan kasama sina Janno Gibbs at Stanley Chi, nausisa si Maria kung bet pa rin ba niyang gumanap sa mga pelikula.
Sabi niya, “I would love to. Because the last time I attended one was it was about a war movie and I was playing a role of a mother and I was playing a role of a mother."
Kasunod nito, naitanong kay Maria kung pamilyar ba siya sa VMX. Umoo naman ang tinanong ngunit inamin niyang hindi pa raw siya nakakapanood ng mga pelikula sa ilalim nito.
“What if they offered you?” tanong ni Janno.
“Maybe I could be like the coach then?” sagot ni Maria. “I could like, you know, be like the mama-san of the girls and they'll come to me. “
Sakali mang alukin at matuloy nga ang proyekto, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataong gaganap si Maria sa pelikulang Pilipino.
Matatandaang minsan na siyang naging bahagi ng pelikulang “Nilalang” noong 2015 at sa historical drama series ng GMA Network na “Pulang Araw” noong 2024.
Nagsimula ang karera ni Maria sa adult film industry mula 2005 hanggang 2010. Isa siya sa mga top adult video star sa Japan.
Maki-Balita: 'Nagkita na!' David Licauco, na-starstruck kay Maria Ozawa