April 13, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

MMK magbabalik na; tampok buhay ni Sofronio Vasquez, isa sa BINI members

MMK magbabalik na; tampok buhay ni Sofronio Vasquez, isa sa BINI members
Photo courtesy: iWantTFC/Sofronio Vasquez (IG)/Charo Santos (FB)

Pormal nang ibinahagi ng aktres at dating ABS-CBN President at CEO na si Charo Santos-Concio ang muling pagbabalik ng maituturing na "longest-running drama anthology" sa telebisyon, ang "Maalala Mo Kaya" o MMK.

Sa panayam sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe, sinabi ni Charo na makalipas ang dalawang taon, muli na ngang maririnig ang tinig niya sa pagbabasa ng liham at pagsasalaysay ng mga totoong kuwento ng buhay ng mga karaniwang tao at celebrity.

Nabanggit din ni Charo na ang pilot episode ng pagbabalik-MMK ay magtatampok sa buhay ni "The Voice USA Season 26" grand champion at Kapamilya singer Sofronio Vasquez.

Gaganap daw sa kaniya ang aktor na si Elijah Canlas.

Teleserye

Ruru kahit naospital na dahil sa Lolong: 'Hindi ako titigil dito!'

Bukod dito, isa rin sa mga miyembro ng "Nation's girl group" na BINI ang itatampok nila, subalit hindi pa siya pinangalanan.

Mapapanood ang MMK sa online platforms ng ABS-CBN gaya ng "iWantTFC" at "Kapamilya Online Live," gayundin sa free at cable TV na A2Z at Kapamilya Channel.

Nakakatuwa dahil talaga namang abalang-abala sa showbiz si Charo, una ay pagiging "Tindeng" sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo," at pagbabalik-pelikula katambal si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. 

MAKI-BALITA: 'Hindi ko siya mama!' Charo, patutunayang 'may asim pa' kay Dingdong

MAKI-BALITA: MMK posibleng magbalik sa telebisyon, mapapanood sa TV5?