April 07, 2025

Home SHOWBIZ

Xian Gaza, ipinakilala streaming platform na babangga sa VMX

Xian Gaza, ipinakilala streaming platform na babangga sa VMX
Photo Courtesy: Xian Gaza (FB)

Ibinahagi ng social media personality na si Xian Gaza ang kauna-unahang streaming platform na babangga umano sa VMX.

Sa isang Facebook post ni Xian nitong Linggo, Abril 6, sinabi niyang napakamura daw ang subscription na halos hindi madadama.

“Sobrang barya. Hindi mo madadama. CinePOP sa April 23 na! Pagpasok mo sa loob ng app, punong-puno ng content. Napakaraming series at pelikula,” saad ni Xian.

Dagdag pa niya, “Vertical format. Patayo lahat, hindi pahiga. Swak na swak sa smart phone mo. Lahat ng content, puro bold ang tema!”

Pelikula

Direk Joey pinuri si FL Liza, nakiusap sa mga Pinoy na 'pagbigyan pelikulang Pilipino'

Bukod dito, ipinakilala na rin niya siyempre ang kauna-unahan niyang series sa ilalim ng CinePOP na walang iba kundi ang “Loverboi.”

“Loverboi series coming soon! RomComBold na pinagbibidahan ni Xian Gaza kasama ang tatlong dilag na binembang niya sa loob ng pelikula! Tatlo, hindi isa! Kaya kumapit ka na! Abangan!” sabi pa ni Xian.