May 07, 2025

Home SHOWBIZ

Hollywood actor Val Kilmer, pumanaw na

Hollywood actor Val Kilmer, pumanaw na
Photo Courtesy: Val Kilmer (FB)

Pumanaw na sa edad na 65 ang Hollywood actor na si Val Kilmer noong Martes, Abril 1 sa Los Angeles, California, US.

Sa ulat ng international media outlets nitong Miyerkules, Abril 2, kinumpirma umano ng anak ni Val na si Mercedes Kilmer ang pagkamatay ng kaniyang ama, dahil sa sakit na pneumonia.

Dagdag pa ni Mercedes, na-diagnose daw si Val ng throat cancer noong 2014 ngunit gumaling din naman kalaunan.

Matatandaang naging tanyag si Val sa mga karakter na ginampanan niya sa mga pelikula tulad ng “Batman Forever,” “The Doors,” at “Tombstone.”

Tsika at Intriga

Dani Barretto, nang-inis pa lalo sa bashers dahil sa 'garlic tuyo'

Bago tuluyang namaalam, bumalik pa si Val bilang Iceman sa pelikulang “Top Gun: Maverick” noong 2022.