Tila lumabas ang “inner yearner” ng maraming netizens nang sakyan nila ang content ng aktor na si Enchong Dee sa kaniyang social media noong Sabado, Abril 25.
Makikita sa post ng aktor ang kaniyang “Faculty Identification Card” para sa “Enchong Dee University,” kung saan, bukod sa posisyon niya bilang “professor” nakalagay din na kabilang siya sa “yearning department” simula pa noong taong 2025.
Nakalagay pa rito na mayroong “lifetime” validity ang ID, at bilang kaniyang quotable quote, nakalagay ang mga hugot na katagang, “the right train arrives when you’re ready to board.”
Nagawa pa ngang hikayatin ni Enchong ang kaniyang followers at fans na mag-send din ng kanilang sariling bersyon ng “Enchong Dee University” ID sa karugtong na comment sa nasabing post.
“Tingin nga ako ng ID niyo! NO ID, NO ENTRY! ,” saad ng aktor.
Kaya naman ang netizens, kaniya-kaniyang labas ng kanilang mga trip at hugot.
Sa Instagram, hindi rin naiwasan ng ilan pang celebrities at personalidad sa showbiz tulad nina Alexa Ilacad at RB A. Chanco na mag-iwan rin ng komento para makapag-”enroll” sa “Enchong Dee University.”
Matatandaan na minsan na ring binansagang “Patron Saint of Relapse” si Enchong noong Enero nang mag-post siya ng slideshow ng mga litrato nila ng dating ka-loveteam na si Erich Gonzales bilang entry sa nausong “2016 throwback” trend.
MAKI-BALITA: Enchong Dee, binansagang ‘Patron Saint of Relapse’