May 22, 2026

Home BALITA

Akbayan, suportado imbestigasyon ng CHR sa engkuwentro sa Taboso

Akbayan, suportado imbestigasyon ng CHR sa engkuwentro sa Taboso
Photo Courtesy: Akbayan (FB), via MB

Naghayag ng suporta ang Akbayan Party-list sa pagsisiyasat ng Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa nangyaring sagupaan sa Taboso, Negros Occidental na ikinasawi ng 19 na indibidwal.

Kabilang sa mga nasawi ang University of the Philippines Diliman student leader na si Alyssa Alano at Altermidya Network community journalist na si RJ Ledesma.

Sa isang Facebook post ng Akabayan nitong Linggo, Abril 26, sinabi nilang nagtitiwala sila na isasagawa ang proses ng imbestigasyon nang patas at may pag-iingat.

“We trust that this process will be conducted with care and fairness, and that all sides will be heard,” saad ng Akbayan.

 Dagdag pa nila, “At the same time, we grieve and stand with the Filipino people in rejecting the continuing cycle of violence.”

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Sa huli, sinabi ng grupo na hamon umano sa bawat Pilipino paganahin ang demokrasyang nagsisilbi para sa lahat upang wala nang buhay pang mawala. 

Maki-Balita: CHR, nagkasa na ng imbestigasyon sa pagkamatay ng 19 katao sa operasyon ng militar sa Negros