April 03, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Aira Lopez pinalagan netizen na nagsabing magtatay sila ni Mark Leviste

Aira Lopez pinalagan netizen na nagsabing magtatay sila ni Mark Leviste
Photo Courtesy: Screenshots from Aira Lopez (FB)

Tila hindi nakapagtimping hindi sagutin ni Kapuso Sparkle artist Aira Lopez ang isang netizen na umokray sa kanila ng jowa niyang si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa isang Facebook post ni Aira noong Lunes, Marso 31, mapapanood ang video nila ni Leviste na sweet na sweet sa isa’t isa.

“Oo na unahan kona kayo, kamukha nga ni VG si BBM! Hahaha buti nalang kamukha lang chz,” saad ni Aira sa caption.

Komento naman ng isang netizen, “S unang tingin mag tatay”

Relasyon at Hiwalayan

Mikee Quintos, Paul Salas hiwalay na!

“Ikaw hindi pa kita nakikita, mukha ka ng uod,” tugon ni Aira.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa iba pang netizen ang thread na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"sa true "

"slayyyy "

"boogssshhh!!"

"ganto dapat pumapatol "

"hahaha gandang rebat un"

"bakit hindi mo pakialaman ang itsura mo !! MARAMI KANG KAILGAN BAGUHIN"

"ikaw unang tingin mukha kang tae "

Matatandaang Enero nang matanggap ni Leviste ang matamis na oo ni Aira.

MAKI-BALITA: Mark Leviste, napasagot na si Aira Lopez!