Inamin ng aktres at talent manager na si Maja Salvador na umalis na sa Crown Artist Management ang mga alagang sina John Lloyd Cruz at Miles Ocampo.
Sa media conference na dinaluhan kamakailan kaugnay sa kaniyang endorsement, sinabi ni Maja na noong nagbubuntis pa siya, sinabihan daw siya ni Lloydie na hindi naman daw siya nagtatrabaho kaya aalis na lamang sa agency na tinatag nina Maja at mister niyang si Rambo Nuñez.
"Si Lloydie po, noong buntis ako, sabi niya, ‘Maj, hindi naman ako nagtratrabaho.’ So nag-separate ways kami with respect naman. Nade-decline rin po ‘yong mga magagandang projects kasi focused din siya kay Elias. Hindi rin naman [siya] active now din po," paliwanag ni Maja.
Hindi naman binanggit ni Maja kung bakit pinakawalan nila si Miles na aktibo naman sa kaniyang hosting bilang Dabarkads host sa "Eat Bulaga."
Taong 2022 nang umalis sa Star Magic si Miles at lumipat sa Crown Artists Management nina Maja at Rambo.
Huling proyekto ni John Lloyd ang "Happy ToGetHer" na kauna-unahang sitcom niya sa Kapuso Network, bago ito masibak noong 2023.