April 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Imee, naispatan sa campaign rally ni Isko Moreno

Sen. Imee, naispatan sa campaign rally ni Isko Moreno
Photo courtesy: screengrab from Imee Marcos/FB

Nakiisa si reelectionist Senator Imee Marcos sa pangangampanya ng kampo ng nagbabalik at aspiring Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso sa dalawang distrito sa Maynila.

Sa kaniyang official social media accounts, ibinahagi ng senadora ang ilan sa kaniyang mga larawan sa pagdalo niya sa dalawang magkasunod na campaign rally nina Isko sa unang distrito ng Maynila noong Biyernes, Marso 28, 2025 at sa ikalawang distrito noong Sabado, Marso 29. 

“Magandang gabi, District 2 Manila! Kasama ulit natin sina Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Chi Atienza at Team Yorme's Choice ngayong Sabado, Marso 29,” anang senadora.

Matatandaang noong Marso 26 nang ianunsyo ng senadora ang kaniyang pagkalas sa senatorial slate ng administrasyon na “Alyansa para sa Bagong Pilipinas.”

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas

"I cannot stand on the same campaign platform as the rest of the Alyansa. As I have stated from the outset of the election period, I will continue to maintain my independence,” saad niya.

Nauna na ring linawin ng senadora mas pinagtutuunan niya raw ng pansin ang kaniyang imbestigasyon hinggil sa umano’y ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC).