Inilarawan ni Kapuso actor Kokoy De Santos si Vivamax sexy actress Rob Guinto bilang katrabaho sa primetime series na “Batang Riles.”
Sa ulat ng “24 Oras” noong Biyernes, Marso 28, sinabi ni Kokoy na masarap daw kaeksena si Rob dahil walang kiyeme.
"Nagulat ako, kasi sa role ko na si Kulot parang hindi mo i-expect 'di ba? To be honest ang sarap kaeksena ni Miss Robb kasi wala siyang kiyeme,” saad ni Kokoy.
Ginagampanan ni Rob ang karakter ni Honey sa “Batang Riles” na tila bagong love interest ng karakter ni Kokoy.
Mapapanood ang naturang Kapuso serye tuwing 8:50 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.
MAKI-BALITA: 'Batang Riles,' sumasalamin sa tunay na buhay sey ni Miguel Tanfelix