Ibinahagi ng mommy ni Asia’s Superstar Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang trato niya sa kaniyang apat na anak.
Sa latest episode ng “On Cue” noong Biyernes, Marso 28, sinabi ni Mommy Min na pantay-pantay daw ang trato niya sa kaniyang mga anak kahit kay Kathryn na isang superstar.
“Si Kathryn pa nga ang nagiging utusan. Kasi siyempre ang bunso, siya ‘yong laging inuutusan ‘di ba?” lahad ni Mommy Min.
“Halimbawa,” pagpapatuloy niya, “kahit na no’ng medyo nasa isang bahay pa kami, maliit pa si Kathryn, after ng taping nagtitinginan ‘yong magkakapatid na tina-try siyang utusan. Binu-bully siya ng kuya niya.”
Dagdag pa ni Mommy Min, “Pero still, ang sarap ng buhay no’n. Parang happy family lang kahit na may artista.”
Sa ngayon, gayon pa rin naman daw ang magkakapatid sa loob ng tahanan kapag nagkasama-sama silang apat.
Dahil sabi nga ni Mommy Min, “Ang reyna dito sa bahay, ako. Hindi sila.”