April 01, 2025

Home BALITA Eleksyon

Halos mag-concert: Andrew E, mabenta sa campaign rallies

Halos mag-concert: Andrew E, mabenta sa campaign rallies
Photo courtesy: Mira Olidan via Andrew E. Worldwide (FB)

Mukhang ratsada sa pangangampanya ang rapper-comedian na si Andrew E dahil kabi-kabila ang mga politiko at party-list na sinasamahan niya sa campaign sorties.

Bukod sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., naispatan din siya sa campaign sortie ng negosyante, TV host, at Manila mayor candidate na si Sam Versoza.

MAKI-BALITA: Andrew E, ikakampanya Alyansa senatorial slate ni PBBM

Usap-usapan naman ang naging performance niya ng iconic rap song na "Banyo Queen" sa campaign rally ni Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, na tumatakbo para sa ikalawang termino.

Eleksyon

Mocha Uson, ibinida bakit ang sarap-sarap ng cookie niya

Bukod sa kanila, kinakampanya rin niya ang Pinoy Ako partylist.

Matatandaang si Andrew E ang isa sa mga artistang nagpakita ng suporta sa UniTeam noong 2022 presidential elections.

Napansin naman ng mga netizen na pagdating sa pagpapa-hype ng mga dumadalo sa sorties o campaign rallies ay talagang bigay-todo si Andrew E at napapasunod naman niya ang mga tao.