April 01, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sugar Mercado, binunyag naging relasyon nila ni Willie Revillame

Sugar Mercado, binunyag naging relasyon nila ni Willie Revillame
Photo courtesy: Screenshot via Ogie Diaz Inspires (YT)

Pasabog ang naging rebelasyon ng dancer-TV personality na si Sugar Mercado matapos niyang isiwalat ang naging real score sa pagitan nila ng TV host at senatorial aspirant na si Willie Revillame.

Sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz sa kaniyang vlog na "Ogie Diaz Inspires," inurirat ng showbiz insider si Sugar kung ano ba talaga ang naging ugnayan nila ni Willie.

Matagal na panahon na raw kasing na-link si Sugar kay Willie at hanggang ngayon, wala pang malinaw na kumpirmasyon kung naging sila nga ba talaga.

Pero this time ay mukhang game na si Sugar na i-reveal ang tunay na naging estado nila ni Kuya Wil noon.

Tsika at Intriga

‘Explosive sausage challenge’ nina Bea Borres, minalisya

"Ano ba talaga ang real status n'yo noon ni Willie Revillame?" diretsahang tanong ni Ogie. "Naging kayo ba for seven years?"

"Hindi po ako sure," natatawang sagot ni Sugar. "Hindi naman siya umamin eh!" pahabol pa niya habang tumatawa at nakipag-apiran pa sa host.

"Ang kapal naman ng mukha ko kung umamin ako tapos siya 'di naman umamin. Hindi naman ako sure. Baka mamaya nag-bonding lang kami."

"Paano mo sinasagot 'yon, gano'n lang?" pakli naman ni Ogie.

"Oo gano'n lang," natatawa pa ring sabi ni Sugar.

"Pero sa pagkakaalam mo, pitong taon kayo?" segunda pa ni Ogie.

"Oo," mabilis namang sagot ni Sugar.

Hindi raw makaamin si Sugar sa tunay nilang relasyon ni Willie dahil "kababae" niyang tao, hindi naman daw magandang sa kaniya magsisimula ang kumpirmasyon.

"Okay naman 'yon kasi alam mo naman siya, pribado siya masyado, and sabi ko nga never akong nagsisi sa lahat ng nangyari sa life ko, at aminado rin naman ako, minahal ko talaga 'yong tao nang sobra pa," pag-amin pa ni Sugar.

Nang tanungin kung naramdaman ba niyang naibalik sa kaniya ang pagmamahal niya sa TV host, "Oo naman. Lalo na 'yong dalawang anak ko. At hanggang ngayon, hindi na maaalis 'yon sa mga buhay ng mga anak ko, nasa puso na namin siya habambuhay."

Nilinaw naman ni Sugar na matagal na rin silang hindi nag-uusap at nagkikita ni Willie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Willie tungkol sa mga naging rebelasyon ni Sugar. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.