April 01, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Ai Ai Delas Alas, itinangging tanga siya sa pag-ibig

Ai Ai Delas Alas, itinangging tanga siya sa pag-ibig
Photo Courtesy: Screenshot from BB Gandanghari (YT)

Binasag ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas ang madalas umanong misconception sa kaniya ng maraming tao.

Sa latest episode ng vlog ni BB Gandanghari noong Huwebes, Marso 29, sinabi ni Ai Ai na kilala raw siya ng marami bilang mabuting ina ngunit tanga sa pag-ibig. 

Pero depensa niya, “Hindi ako tanga. Nagkataon lang na napupunta ako sa hindi tamang tao para sa akin. Kasi kung tanga ako, hindi kami aabot ng ten years.” 

“Nagkataon lang siguro na hanggang do’n lang and mayr’on pala siyang ibang agenda, o mayr’on pala siyang iba na nagustuhan, o may iba pala siyang gusto sa akin,” dugtong pa ni Ai Ai

Relasyon at Hiwalayan

Paulo kay Kim: 'Have you ever seen me as more than a friend?'

Kaya para sa kaniya, mali raw na nagpakasal pa siya kay Gerald simula’t sapul.

“Kumbaga, una, pinanindigan ko na lang, and parang gusto kong ipakita sa buong mundo na age doesn’t matter But it matters."

Matatandaang kinumpirma ni Ai Ai sa mismong kaarawan niya noong Nobyembre 11 ang hiwalayan nila ni Gerald matapos ang mahigit isang dekada nilang pagsasama.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan