March 31, 2025

Home SHOWBIZ

Anak ni Mark Leviste, binisita si Kris Aquino

Anak ni Mark Leviste, binisita si Kris Aquino
Photo Courtesy: Ronin Leviste (FB)

Binisita ni Lian, Batangas Vice Mayor Ronin Leviste si Queen of All Media Kris Aquino sa bahay nito sa Tarlac.

Si Ronin ay anak ng ex-jowa ni Kris na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

MAKI-BALITA: Vice Gov. Mark Leviste, tanggap na ang kapalaran ng relasyon nila ni Kris Aquino

Sa isang Facebook post ni Ronin noong Lunes, Marso 24, ibinahagi niya ang naging mainit na pagtanggap sa kanila ni Kris.

Herlene Budol, napasubo sa 'explosive sausage challenge'

“Kahit masama ang pakiramdam niya, siya mismo ang naghanda ng dinner para sa amin at pinaghanda pa kami ng super sarap na lechon galing Tarlac! Extra special tuloy ang aming naging date night dahil kasama namin ni Andrea ang aming future Ninang,” saad ni Ronin.

Dagdag pa niya, “Hindi man sila nagkatuluyan ni Dad, nanatili naman silang magkaibigan; naghiwalay sila ng walang sama ng loob sa isa’t-isa, at hindi mawawala ang aming pagmamahal kay TK, Bimb, at Kuya Josh. Palaging nandiyan si TK para sa amin.”

Sa huli, sinabi ni Ronin na patuloy daw silang mananalangin para sa agarang paggaling ni Kris sa sakit nito.

Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi ni Kris ang kaniyang kalagayan na halos binubuhat siya ng anak niyang si Bimby papuntang banyo.

MAKI-BALITA: Kris kay Bimby: 'Ang pagmamahal ng anak ay walang katumbas'