Pasabog ang first nomination night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition nitong Lunes ng gabi, Marso 23, matapos malagay sa alanganin ang duos na sina "RAMI" o Ralph De Leon at Michael Sager, "WILVER" o Will Ashley at River Joseph," at "ACLEY" o sina AC Bonifacio at Ashley Ortega.
Matatandaang nagbaba ng rule si Kuya na ipapartner ang Kapuso at Kapamilya housemates na parehong mano-nominate at ma-eevict.
Nakakuha ng 10 boto ang RAMI habang ang susunod naman ay ACLEY, at ang sunod naman ay WILVER.
Ang rason ng ibang housemates kung bakit sila ibinoto ay dahil sa ang ilan sa kanila ay hindi raw tumutulong sa mga gawaing-bahay, at ang ilan naman ay tila nasosobrahan o nagkukulang pa sa pagpapakatotoo sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sa susunod na weekend, aabangan na kung sino ang unang housemate duo na lalabas sa PBB house.