March 19, 2025

Home BALITA Metro

Grade 10 student, nanggulpi, nanaksak ng Grade 8 student

Grade 10 student, nanggulpi, nanaksak ng Grade 8 student
freepik

Inaresto ng mga awtoridad ang isang binatilyong Grade 10 student matapos umanong bugbugin at saksakin ang Grade 8 student sa Cainta, Rizal, nabatid nitong Miyerkules.

Kinilala lang ang suspek sa alyas na ‘RB’, 16, Grade 10 student, at residente ng Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Siya ay inaresto matapos na ireklamo ng biktimang si alyas ‘JC’, 16, Grade 8 student, at residente ng Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.

Batay sa ulat ng Cainta Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-5:30 ng hapon noong Marso 17 nang maganap ang krimen sa Sunflower St., sa Brgy. San Juan, Cainta.

Metro

Mayor Lacuna, hinikayat 'fur parents' na pabakunahan kanilang 'fur babies' sa vaccination program ng Maynila

Nauna rito, sinamahan umano ng biktima ang kaniyang nobya sa kaniyang cheer dance practice sa naturang lugar.

Gayunman, pagdating doon, pinagtulungan umanong bugbugin ng suspek at kaniyang mga kabarkada ang biktima.

Hindi pa nasiyahan, bumunot umano ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan bago mabilis na nagsitakas.

Kaagad namang isinugod ng kaniyang ina sa Cainta Municipal Hospital ang anak upang malapatan ng lunas bago nagtungo sa presinto upang magreklamo.

Mabilis din namang naaresto ng mga pulis ang suspek sa isinagawang follow-up operation dahil sa kasong frustrated murder.

Inaasahang iti-turnover ng pulisya ang suspek sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pagiging menor de edad nito.