May 13, 2026

Home BALITA Metro

‘Traffic Advisory’ sa darating na Labor Day, inilabas na ng MPD

‘Traffic Advisory’ sa darating na Labor Day, inilabas na ng MPD
Photo courtesy: John Louie Abrina (MB)

Inilatag na ng Manila Police District (MPD) ang listahan ng re-routing at mga saradong kalsada sa iba’t ibang lugar sa Maynila bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Labor Day. 

Batay sa traffic advisory ng MPD, narito ang listahan ng isasarang kalsada at re-routing ng mga daan simula 9:00 PM ng Huwebes, Abril 30: 

CRB MENDIOLA

- Kahabaan ng C.M. Recto Ave. from N. Reyes hanggang Mendiola. 

- Kahabaan ng Legarda mula Figueras St. hanggang San Rafael St.

Metro

Family driver, ninakawan amo ng ₱640k halaga ng alahas; bisto matapos ibenta online

LIWASANG BONIFACIO 

- Kahabaan ng Magallanes Drive mula Jones hanggang McArthur Bridge. 

AYALA BRIDGE 

- Ayala Bridge 

- Eastbound lane ng Ayala Blvd. mula San Marcelino hanggang Romualdez St. 

RE-ROUTING 

CRB MENDIOLA

- Lahat ng sasakyan na magmumula sa Quezon Blvd. at C.M. Recto Ave. patungong Mendiola St. ay pinapayuhang kumaliwa sa N. Reyes St. patungo sa destinasyon.

- Lahat ng sasakyan na magmumula sa lugar na sakop ng Sta. Mesa via Legarda, na nais dumaan sa C.M. Recto Ave. ay maaaring kumanan sa Figueras St. patungong Earnshaw St. at pakaliwa sa S.H. Loyola patungo sa destinasyon. 

- Lahat ng sasakyan na magmumula sa P. Casal St. na nais dumaan sa Mendiola St. ay pinapayuhang kumaliwa sa San Rafael St. patungong Bilibid Viejo St., pakanan sa S.H. Loyal St. o N. Reyes St. patungo sa destinasyon. 

LIWASANG BONIFACIO

- Lahat ng sasakyan na magmumula sa P. Burgos Ave. Northbound lane na nais dumaan sa Magallanes Drive ay pinapayuhang dumiretso sa Jones Bridge patungo sa destinasyon.

- Lahat ng sasakyan mula C. Muñoz St. ay maaaring dumaan sa P. Burgos patungo sa destinasyon.

- Lahat ng sasakyan mula McArthur Bridge na patungong Magallanes Drive ay maaaring dumiretso sa P. Burgos Ave. Southbound lane o kumanan sa Victoria St. patungo sa destinasyon. 

AYALA BRIDGE

- Lahat ng sasakyan na manggagaling sa Romualdez St. na nais dumaan sa Ayala Bridge ay pinapayuhang kumaliwa sa Ayala Blvd. at kumanan sa Taft Ave. patungo sa destinasyon; o kaya’y dumiretso sa N. Lopez at kumanan sa A. Villegas at kumaliwa sa C. Muñoz patungo sa destinasyon. 

- Lahat ng sasakyan na magmumula sa San Marcelino St. na nais dumaan sa Ayala Bridge ay pinapayuhang kumanan sa Ayala Blvd. papuntang Taft Ave. patungo sa destinasyon; o kaya’y dumiretso sa kahabaan ng San Marcelino St. at kumaliwa sa UN Ave. patungo sa destinasyon. 

- Lahat ng sasakyan na magmumula sa Ayala Blvd. Eastbound lane na nais dumaan sa Ayala Bridge ay pinapayuhang kumanan sa San Marcelino patungo sa destinasyon. 

- Lahat ng sasakyan na magmumula sa C. Palanca na nais dumaan sa Ayala Bridge at kumaliwa sa P. Casal patungo sa destinasyon. 

- Lahat ng sasakyan na magmumula sa P. Casal na nais dumaan sa Ayala Bridge ay pinapayuhang kumanan sa C. Palanca patungo sa destinasyon.