March 19, 2025

Home SHOWBIZ

Kris Aquino, isiniwalat dahilan bakit siya iniwan ng jowang doktor

Kris Aquino, isiniwalat dahilan bakit siya iniwan ng jowang doktor
Photo Courtesy: Kris Aquino (IG)

Nagbigay na ng detalye si “Queen of All Media” Kris Aquino tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ng jowa niyang doktor.

Sa latest Instagram post ni Kris nitong Linggo, Marso 16, sinabi niyang iniwan daw siya ng doktor na minahal niya dahil sa kagustuhan nitong takasan ang reyalidad na mayroon ang isang “Kris Aquino.”

"During this time of uncertainty, I choose to share MY PAINFUL TRUTH,” panimula ni Kris. “The doctor I loved left me because he wanted the freedom to travel, to break free from needing to care for & the reality of KRIS AQUINO who had multiplying autoimmune diseases w/ so few treatment options.” 

Dagdag pa niya, “Enough time has passed: he did not love me. In my defense he did receive the correct professional fees- even when we were a couple. End of that chapter (never akong natakot umamin ng katotohanan)."

Tsika at Intriga

Keanna Reeves na-in love kay John Prats: 'Lapit nang lapit, kiss nang kiss!'

Ayon kay aktres, dalangin daw niya na sana ay tigilan na ng ex-jowa niyang doktor ang “trash talking” at “cursing” nito sa mga kaibigan niya at sa mga doktor na ginagawa ang lahat upang mapabuti ang kalagayan niya.

Matatandaang Pebrero nang ianunsiyo ni Kris sa pamamagitan ng isa ring Instagram post na wala na raw siyang boyfriend.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, single na ulit!

Inamin ni Kris ang tungkol sa bago niyang karelasyon nang kapanayamin siya ni showbiz insider Ogie Diaz sa vlog nitong “Ogie Diaz Inspires” noong Hunyo 2024.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, may karelasyong doktor sa Pilipinas