March 12, 2026

Home SHOWBIZ

Ivana Alawi, umexit na rin sa Bahay ni Kuya

Ivana Alawi, umexit na rin sa Bahay ni Kuya
Photo Courtesy: Screenshot from PBB (YT)

Nagpaalam na rin ang “Phenomenal Content Queen ng Quezon City” na si Ivana Alawi bilang house guest sa Bahay ni Kuya.

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” nitong Sabado, Marso 15, nagpaalam si Ivana matapos tulungan ang ibang housemate sa first weekly task nito.

Bukod dito, nanalo rin si Ivana ng ₱60,000 para sa collab charity.

Sinalubong naman siya ng kapatid niyang si Mona paglabas niya ng Bahay. At bago tuluyang umalis, inusisa muna siya kung anong aral ang napulot niya sa loob na babaunin niya sa outside world.

“To be a strong family at magmahalan,” aniya.

Tsika at Intriga

741 score sa NMAT: Rabiya Mateo, tinalbugan si 'Linda Walker!'

Matatandaang bago si Ivana ay lumabas na rin si Kapuso Sparkle Artist Mavy Legaspi bilang host-mate sa Bahay ni Kuya.

MAKI-BALITA: Mavy Legaspi, nagpaalam na bilang host-mate sa Bahay ni Kuya